Not your ordinary ihaw-ihaw! Suka pa lang ulam na!

Tulad ba kitang mahilig sa mga street foods?🍒 Yung minsan hinahanap hanap ng taste buds ko yung mga ganitong pagkain.πŸ˜‹ Isa na dyan ang ihaw-ihaw!🍒 Talaga naman nakakalaway everytime may makikita akong ihaw sa news feeds ko.🀀 Alam nyo ba nung bata ako, isa to sa pantawid gutom program namin hahahaha yung tipong, kulang sa budget pero ang sarap ng ulam namin, mapaparami ka talaga ng kanin lalo na pag naka kamay ka!πŸ‘ŒπŸΌ

Dito sa Banawe, Quezon City may natagpuan akong BBQ house na talaga naman magugustuhan nyo!πŸ‘ŒπŸΌ Kasi sakin, kung ako ang tatanungin? Panalo ang ihaw-ihaw kung malasa at masarap ang suka!πŸ₯£πŸ‘🍒Mapaparami ka talaga ng kain! 🍚

Dito sa kanto ng G. Roxas corner Latukan St. matatagpuan ang BBC BBQ Grillhaus! Katabi to ng Mini Grocery Store na pag mamay ari din nila. Lahat ng staff ay approachable dahil ito ay family business, sila din ang nag aasikaso at nag tutulungan sa lahat ng gawain. 

🍒Malinis
🍒Masarap
🍒Malasa
🍒No Malansa aftertaste
🍒Mura
🍒Panalo ang suka, nag titinda din sila per bote! The best, ako na nagsasabi, suka pa lang ulam na! 

Grabe nakaubos ako ng 2 isaw ng manok, 2 isaw ng baboy, 2 betamax, 1 Liempo, 2 hotdog at 2 barbecue πŸ’πŸ˜‹πŸ€€πŸ˜‚✌🏼 All by myself! Kung di ko pa naalala na naka crop top ako baka mas marami pa kong nakain. Naging mascot ako bigla, umuwi akong si winnie the pooh πŸ˜‚πŸ€¦πŸΌ‍♀️✌🏼

Highly recommended! Lalo na sa mga handaan! They cater bulk or bilao orders na saktong sakto sa darating na holiday season πŸŽ„

As of now kay Grab pa lang sila available but they also cater delivery thru third party courier! 
Just message their official facebook page-- 
https://www.facebook.com/bbcbbqgrillhauz?mibextid=ZbWKwL

Try and see it yourself! Syempre ang final verdict? Pasado sa #PanlasaNiMommyLove πŸ‘ŒπŸΌ

#EatsMommyLove #PanlasaNiMommyLove #RekomendaNiMommyLove #EatWithMommyLove #MommyLoveApproved #FoodReviewbyMommyLove #KainanSeryeWithMommyLove #Foodie #MommyLoveVlog #MommyLoveBlog #ValenzuelaEats #BulacanExplorer #FoodBlog #FoodBlogger #FoodVlogger #EatWithMommyLove #FoodReview 

Comments

  1. Wow na wow ang sasarap ng mga inihaw nila talaga Pero pa sa sawsawan nilang suka😊😊😊

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Silog, Dynamite and Shanghai on-the-go!

Polycystic Ovarian Syndrome is Curable

Samgyup in a box? May ganun ba?